top of page
Kakayahang Diskorsal; Pagtiyak sa Kahulugang Ipinapahayag ng Mga Teksto/Sitwasyon Ayon sa Konteksto
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalangalang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
-
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Ang mga gagamiting e-learning resources para sa paksang ito ay binubuo ng mga tungkol sa diskurso, kasaysayan, at sining. Napili ko ang mga ito dahil dito maaaring magkaroon ng ideya ang mag-aaral sa kung paano umusbong ang diskorsal na kakayahang komuinikatibo ng mga Pilipino. Muli, sinamahan ko ng mga kanta ni Gloc-9 upang pagnilayan ng mga mag-aaral kung ano ang diskursong ipinaparating ng kanta at kung anong konteksto ito.
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Isang makabuluhang e-learning resource para sa bahaging ito ng paksa ay ang bidyo ng Anatomiya ng Kampanya ng History with Lourd. Nakikita koi to bilang isang magandang resource upang matalakay ang diskorsal na kakayahan ng mga Pilipino upang makipag-usap sa iba. Sa bidyong ito ipinapamalas kung paano kumokonekta ang mga kandidato sa kanilang mga botante, at sa tingin ko’y isa na iyon sa mga konkretong halimbawa ng diskorsal na kakayahan ng mga Pilipino.
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Gamit muli ang mga bidyo galing Word of the Lourd, mga kanta ni Gary Granada. at maging ang Fliptop, matutukoy ang diskorsal na kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-analisa ng mga liriko ng kanta, at mga linya ng makabagong makata upang matukoy ang hinahanap na aspekto ng diskurso.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakagagawa ng mga pagaaral ukol sa iba-ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Bilang panapos na kahingian para sa paksang ito, magkakaroon ng mini-forum ang klase tungkol sa mga usapin ng kakahayahang komunikatibo ng mga Pilipino. Nagsama rin ako ng isa ni Juan Miguel Severo na kilala ngayon bilang isang spoken word artist, at mnaaatim kong magandang talakayin at himayin ang kanyang tula sa klase upang lalo itong mabigyang-diin patungkol sa diskorsal na kakayahan ng mga Pilipino.
E-learning Tools or Resources
Filed Under: Filipino 11
bottom of page