top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Pragmatik: Pagtukoy sa Kahulugan ng Sitwasyong Sinasabi, Di-Sinasabi, Ikinikilos ng Taong Kausap
Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalangalang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​
-
Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​​
Sa bahaging ito, naghanap ako ng mga e-learning resources na kung saan ipinapakita o tinatatalaky ang paghasa at paglinang sa wikang Filipino bilang isang makabagong wika. Sa paksang ito, inilagay ko rin ang pagtalakay sa umuusbong na makabagong “Balagtasan” na kung tawagin ay Fliptop na kung saan maglalaban ang dalawang rapper upang magbatuhan ng mga linya na siyang hinuhusgahan sa huli ng mga hurado at pinipili ang siyang mananalo. Bilang panggagayak na gawain, igugrupo ang mga mag-aaral at bawat grupo ay kailangang magkaroon ng presentasyon ukol sa paksang “Ano ang isang bagay na Filipino lamang ang gumagawa?” Halimbawa: pagtuturo gamit ang nguso/labi.
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Muli, pinanatili ko ang pagtalakay sa Fliptop bilang isang magandang pagtukoy sa kakayahang pragmatik ng mga Pilipino. Nakikita kong gamit ang Fliptop bilang ipakita ang mga gawi ng mga rapper kapag sila ay nagsisisigaw na at kung paano nila ginagamit ang tono, lakas, at bilis pagdating sa pagsasalita upang maitawid ang kanilang nais sabihin sa kanilang katunggali. At bilang gawain para sa mga mag-aaral, kailangan nilang mag-isip ng paksa para sa isang sanaysay na isusulat tungkol sa wikang Filipino sa panahon ng makabagong panahon.
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Muli, nariyan pa rin ang pagpapanood ng mga laban sa Fliptop, at ang pagsama na rin ng kanta ng rapper na si Gloc- 9 upang maipakita, sa makabagong paraan ng musika na rap, ginagamit ang wikang Filipino.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakagagawa ng mga pagaaral ukol sa iba-ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Bilang pinal na gawain ng mga mag-aaral para sa paksang ito, ipapasa na nila ang sanaysay na binuo nila noong ikalawang bahagi ng modyul na ito. Pagdating naman sa mga e-learning resources. Nariyan din ang ilang mga larawang nakuha ko sa FB page ng Wikapedia na siyang nagbibigay ng mga trivia sa mga mag-aaral tungkol sa wikang Filipino.
E-learning Tools or Resources
Filed Under: Filipino 11
Filed Under: Filipino 11
bottom of page