top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino: Linggwistiko, Istruktural, at Gramatikal
Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalangalang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​
-
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon at nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Bilang panggagayak sa mga mag-aaral, magbibigay ng isang group activity na may hamong mag-isip ng mga salita na coined o nabuo nang dahil sa mass midya partikular na ang TV, radyo, at ng social media. Bibigyang kahulugan ang mga salitang ito at ipapaliwanag kung paano nabuo ang mga salitang ito. Gamit ang mga e-learning sources na nabanggit sa itaas, nakatitiyak na makakapag-isip ang mga mag-aaral ng panibagong terminolohiya hindi lamang sa paggamit ng mga materyal na ito kundi dahil tiyak na mabilis ang proseso ng pag-usbong ng mga makabagong terminolohiya lalo na sa social media kung saan sila aktibong aktibo. Malaking tulong din ang mga materyal na ito upang buhaying muli ang kanilang stock knoweldge sa mga salitang nabuo ng popular na kultura.
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Batay sa mga e-learning resources na ito, papasok na sa usapin ng midya at teknolohiya ang mga paksa dahil sa paliwanag na ang wikang Filipino ay nananatiling buhay dahil sa dami ng mga nabubuong salita gamit ang iba’t ibang karanasan, midyum, at pamamaraan ng tao. Ang pagtalakay sa mga panibagong socialects gaya ng jejemon, bekimon, atbp ay siyang makikita sa ilang mga bidyo na ipapalabas sa klase. Ang isang bidyo rin tungkol sa isang mungkahing nararapat na bigkas sa pagkanta ng Lupang Hinirang ay isang makapangyarihang materyal upang talakayin ang gramatikal at istruktural na gamit ng wikang Filipino. Gagamitin din ang isang online game tungkol sa wika na bagamat hindi nakasentro sa wikang Filipino, magagamit upang ipahayag ang punto ng pagkakaiba ng mga wika batay sa struktura, gramatika, at gamit ng mga ito.
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Sa bahaging ito, palalalimin ang paksa sa pamamagitan ng pagtukoy sa kung ano na ngayon ang takbo ng wikang Filipino. Dahil nakatuon ang paksa sa mga materyal ng radyo at telebisyon, ipapakita ang gamit ng wika sa mga materyal ng telebisyon gaya ng pag-uulat ng balita, pakikipag-usap sa radyo sa pagitan ng mga caller at ng host, at kung paano ginagamit ang wika at ang mga makabagong aspekto nito. At sa huling bahagi ng modyul na ito, bilang Gawain sa klase, pagagawain ang mga mag-aaral ng isang meme o poster na nauukol sa paggamit ng wika sa midya. Bilang paglilinaw, isang magandang halimbawa ng meme o larawan na kahingian ay ang screenshot ng tweet ni Bogart the Explorer na kinokontekstwalisa ang terminolohiyang EDI WOW.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Para sa pagtatapos ng paksang ito, gagawing pormal at intelektwal na diskurso ang mga naisip na terminolohiya ng mga estudyante na kanilang binuo noong panggayak at gagawin itong isang papel na lalapatan ng mga konseptong natutunan tungkol sa wikang Filipino sa konteksto at panahon ng makabagong teknolohiya.
E-learning Tools or Resources
bottom of page