top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Kakayahang Pragmatik: Pagtukoy sa Kahulugan ng Sitwasyong Sinasabi, Di-Sinasabi, Ikinikilos ng Taong Kausap
Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalangalang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​
-
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon
-
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita
-
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan
-
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
-
Sa bahaging ito, binigyang-pansin ang pagsasalita at pakikinig bilang mahalagang bahagi sa pagkatuto/pagkakaroon ng kasanayan sa pragmatiks.
-
Maaaring ipagawa ang anumang gawaing nakalahad upang malinang ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa pagsasalita na mahalaga sa pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon.
-
Maaaring gamitin ang mga sumusunod na tanong para sa pagproseso ng mga gawain:
​
-
Bakit mahalaga ang malinang ang kasanayan sa pagsasalita/pakikinig?
-
Bilang mag-aaral, paano ninyo mapauunlad ang inyong kasanayan sa pagsasalita/pakikinig?
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
-
Magpapapanood/magpapapakinig/magsusuri ang mga mag-aaral ng video, awit, o usapan upang mapukaw ang atensyon, makapagbalik-aral sa komunikasyon.
-
Maaaring magsilbing tanong ang mga sumusunod:
​
-
Ano ang nahinuha nnyo sa mga isinagawang gawain?
-
Saan-saang pagkakataon maaari ninyong magamit ang mga nakalahad na impormasyon?
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
-
Unang mahalagang talakayin sa araling ito ay ang pagsusuri sa kontekstong nakapaloob sa isang usapan.
-
Gamit ang prezi (Teskto at Konteksto sa Diskurso), maaaring simulan ang pagtalakay sa pragmatiks. Susundan ito ng iba pang nakalahad na websites bilang suporta sa pagtalakay sa paksa.
-
Bilang pagtalakay, maaaring magpakita ng halimbawang larawan o video upang masuri ang konteskto at mapag-aralan ang kilos, pananalita (berbal man o di-berbal) na ginamit ng tagapagsalita. Maaaring gamiting gabay na tanong ang mga sumusunod:
​
-
Saan naganap ang pangyayari?
-
Ano ang layunin ng tauhan sa kanilang kilos/pananalita?
-
Paano nakatulong ang usapan upang mas maipahiwatig ang mensaheng nais maiparating?
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
-
Gamit ang mga nakatalagang sanggunian kagaya ng youtube, komiks, komentaryong panradyo, dayalogo, susuriin ng mga mag-aaral ang usapan batay sa mga sumusunod na katanungan:
​
-
Ilarawan ang gamit ng wika sa bawat usapan?
-
Ano ang layunin ng tagapagsalita? Paano ito nakatulong upang lubos na maunawaan ang mensahe ng usapan?
-
Magtala ng mga kilos/pananalita (berbal man o di berbal) na ginamit bilang senyales (sign) sa pakikipag-usap.
-
Paano naging epektibo ang pagpapahayag ng damdamin/mensahe sa bawat usapan?
.
E-learning Tools or Resources
bottom of page