top of page

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalangalang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​
  1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon.
  2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social media posts at iba pa.
  3. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.
  4. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.
  5. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino.
  6. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa larangang ito.
  7. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
​
 
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​

1- PANGGANYAK

Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:

​

Dahil ang paksang tatalakayin ay ang sitwasyon ng wikang Pilipinas, napagpasyahan ng guro na gawing pagtalakay sa mga simulain ng wikang Filipino ang paksang ito. Gamit ang metaporang bago malaman ang kasalukuyang estado o sitwasyon ng isang bagay, nararapat lamang ungkatin at talakayin ang mga ugat nito. Kaya naman, karamihan ng mga magiging e-learning sources para sa modyul na ito ay tungkol sa mga simulain at naging ugat ng wikang Filipino. Bilang panimulang gawain o panggayak, magkakaroon ng isang lektura o pagtuturo kung paano magsulat sa baybayin. Mukha mang magiging matagal ang prosesong ito, magiging basic at payak lamang ang pagtuturo sa puntong pagkatapos ng sesyon, ay makakayanan nang isulat ng mga mag-aaral ang kanilang pangalan sa baybayin.

E-learning Tools or Resources

2- PANIMULANG GAWAIN

Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:

​

Matapos ang pagtalakay sa mga simulain at kasaysayan ng wikang Filipino. Dadako ngayon ang pag-aaral sa kung ano ang kasalukuyang estado o sitwasyon ng wikang pambansa. Ang mga materyal gaya na lamang ng mga bidyo at dokumentaryo na nauukol sa pagtalakay ng wikang pambansa ay lubos na makakatulong sa pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa kalagayan ng Filipino lalo pa sa mga panahong lubos itong ginigipit at patuloy na naiiwan dahil sa pagbibigay ng prayoridad sa mga teknikal na sabjek gaya na lamang ng Math, Science, at marami pang iba.

E-learning Tools or Resources

website.png

Ating Baybayin: Our Filipino Script

blog.png

Kristian Kabuay: Baybayin

youtube.png

Writing and Understanding Baybayin

game-activity.png

Baybayin Quiz: Click the correct character – Ace Recommendation Platform

online-exam.png

To those of you who are fluent in Baybayin, is there still any value in learning

prezi-slideshare.png

Baybayin – Ancient Script of the Philippines

Instagram.png

Hindi Totoo ang Alibata

mp3.png

12 Days of Filipino Christmas – Mikey Bustos

iba-pa.png

SBC Packers – Rex Navarrete

website.png

Kasaysayan ng Wikang Filipino

blog.png

Filipino, Bilang Wikang Pambansa

youtube.png

Investigative Documentaries: Ang estado ng wikang Filipino

prezi-slideshare.png

Gamit ng Wika sa Brodkast Midya

Instagram.png

The Filipino meme guide to everything that happened in 2014

mp3.png

Speak in English Zone – Joel Malabanan

iba-pa.png

Filipino: ‘Pambansang wika, pero hindi wikang opisyal’

3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA

Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:

​

Bilang gawain para sa mga mag-aaral, gagamitin ang mga e-learning na materyal upang palalimin pa lalo ang pagkakamuwang ng mga mag-aaral sa saitwasyon ng wikang Filipino ngayon. Mula sa pagsulong nito patungo sa pagkakaroon ng pagtanggap mula sa mga kurikulum ng mga paaralan, hanggang sa pagsagot sa katanungang: Maaari bang gamitin para sa isang akademikong diskurso ang wikang Filipino?

E-learning Tools or Resources

website.png

Kayumangging Damdamin

blog.png

WIKANG FILIPINO: WIKA NG PAGKAKAISA

youtube.png

Investigative Documentaries: Wikang Filipino, dapat paigtingin

prezi-slideshare.png

Wika ng Telebisyon

Instagram.png

It’s More Fun in the Philippines Trending Images

mp3.png

Balikbayan Box (Wrecking Ball Parody) – Mikey Bustos

iba-pa.png

Filipino Drinking Tutorial by Mikey Bustos

4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE

Pamantayan sa Pagganap:
 
  • Nakagagawa ng mga pagaaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
​

Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:

​

​Magiging magaang na lamang ang mga gagawin sa bahaging ito ng modyul. Ilang mga e-learning materials ang idinagdag upang lalong mabigyang-diin ang ipinaparating na mensahe ukol sa sitwasyon ng wikang Filipino ngayon. Nariyan ang mga ilang bidyo at mga dokumentaryo na siyang magpapatibay ng nais ipalaganap na sitwasyon ng wikang Filipino sa ngayon.

​

E-learning Tools or Resources

website.png

Mga Sanaysay sa Filipino

blog.png

Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo

youtube.png

Wikang Filipino sa Modernong Panahon (Part 1)

prezi-slideshare.png

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Instagram.png

It’s More Fun in the Philippines – Image #329,655

mp3.png

What Do Pinoys Say (What Does the Fox Say Parody) – Mikey Bustos

iba-pa.png

Pinoy This Way (Lady Gaga Parody) – Mikey Bustos

bottom of page