top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Pagsulat ng Pananaliksik: Pagbuo ng Konseptong Papel
​
Pamantayang Pangnilalaman:
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​​​
-
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layuninm gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
-
Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirical, atb.)
-
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​​
Magpapakita ang guro ng video, larawan, musika, o isang presentasyon ng mga sakunang naganap sa Pilipinas na pagmumulan ng pagtalakay sa konsepto ng benepisyo ng PAGPAPLANO. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na Gabay na Tanong:
​​
-
Ano-anong mga sakuna ang inyong natunghayan?
-
Paano makaiiwas sa mga ito?
-
Bakit kailangang magplano?
-
Ano ang depinisyon ninyo sa salitang ito?
-
Magtala ng limang hakbang na dapat isaalang-alang sa mainam na pagpaplano.
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Magpapakita ang guro ng mga larawan, video, teksto o anumang panoorin na may kaugnayan sa maayos na pagpaplano. Bibigyang interpretasyon ng bawat pangkat ang mga nakita nilang magandang bunga ng mainam na pagpaplano sa pamamagitan ng pagbuo ng isang islogan na makapanghihikayat sa kanilang kapwa na gawin din ito upang makaiwas sa mga sakuna o di-kaaya-ayang pangyayari.
​
​
ISLOGAN:_________________________________________
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Ipapanonood, ipakikita, at ipasusuri sa mga mag-aaral ang mga larawan, video, teksto o anumang panoorin na nagpapakita ng paraan ng pagbuo ng konspetong papel. Mula sa mga makikita, mapanonood, o masusuri, magtatala ng mga mahahalagang ideya o konsepto ang mga mag-aaral na gagamitin nilang gabay sa paggawa ng sariling konseptong papel para sa kanilang pananaliksik. Nararapat na maitala nila ang mga bahagi ng konseptong papel at ang mga nilalaman ng bawat bahagi.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Muling ipapanonood, ipakikita, at ipasusuri ang mga e-learning resources sa bahagi ng Ed Tech Plan ng Pagbuo ng Balangkas upang muling maalala ng mga mag-aaral ang paksang kanilang napili. Sa ganitong paraan, inaasahang makagagawa sila ng kanilang sariling konspetong papel batay sa mga ibinigay na sanggunian ng guro.
E-learning Tools or Resources
bottom of page