top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Pagsulat ng Pananaliksik: Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi
​
Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​​​
-
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layuninm gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
-
Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirical, atb.)
-
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​​
Magpapakita ang guro ng video, larawan, musika, o isang presentasyon ng mga sakunang naganap sa Pilipinas na pagmumulan ng pagtalakay sa konsepto ng PLAGIARISM na naging tampok na usapan sa hatirang pangmadla. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na Gabay na Tanong:
​​
-
Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang PLAGIARISM batay sa inyong nakita o napanood?
-
Bakit may mga indibidwal na gumagawa nito gayong alam naman nilang ito’y mali?
-
Ano ang mga hakbang na dapat sundin upang maiwasan ang ganitong hindi magandang gawain?
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Sa video, larawan, musika, o isang presentasyon na ipakikita sa mga mag-aaral, iuugnay nila ang mga masasaksihan sa isang pagpapahalagang Pilipino na ayon kay Maceda sa kanyang artikulo hinggil plagiarism, maihahalintulad ang wastong pagbibigay pagkilala sa pinagmulan ng ideya na ginamit sa isang pananaliksik sa kaugalian na pagkakaroon ng “utang na loob”.
Bubuo ang bawat pangkat ng kanilang sariling labing isang (11) bilang na polisiya sa plagiarism ng klase kung paano maiiwasan ito sa pamamagitan ng akrostik ng mga salitang “UTANG NA LOOB”. Maaari nilang basahin ang ilang mga sanggunian o e-learning resources na ibibigay ng guro.
Matapos ang pagbuo ng akrostik ng polisiya ng klase hinggil sa plagiarism, sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:
-
Ano ang kaugnayan ng pagpapahalagang “utang na loob” sa plagiarism?
-
Bakit kailangang bigyan nang maayos na dokumentasyon o pagtatalala ng pangalan ng mga awtor, aklat o ng mga sangguniang ginamit sa pananaliksik o sulatin?
​
​
​
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Magpapakita ang guro ng mga larawan, video, teksto o anumang panoorin na may kaugnayan sa masinop na pagtatala at bibliograpiya sa pormat na APA o American Psychological Association. Matapos basahin, panoorin, o suriiin ng mga mag-aaral ang e-learining resources na itatakda ng guro, magbabahaginan sa klase ukol sa wastong pormat sa pagbanggit ng mga sanggunian sa istilong APA ng mga sangguniang ginamit sa sulatin o pananaliksik tulad ng aklat, artikulo mula sa dyornal, pahayagan, papel mula sa isang talakayan at/ o palihan, ulat, suring-basa ng isang aklat, at mga lathalain mula sa internet.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
​
-
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Mula sa pagbabahiganan ng klase sa wastong pagbanggit ng iba’t ibang uri ng mga sanggunian sa istilong APA, magpapakita ang guro ng video, larawan, teksto, at presentasyon ng mga sikat na manunulat o awtor at pamagat ng mga aklat. Itatala ng mga mag-aaral ang sa palagay nila’y kanilang magagamit para sa kanilang isusulat na pananaliksik. Hahanapin ng mga mag-aaral sa silid-aklatan ang mga gawa ng naitala nilang manunulat o awtor o ang mismong aklat upang makabuo ng tentatibong bibliograpiya. Sampung sanggunian ang kinakailangan ng bawat pangkat.
E-learning Tools or Resources
bottom of page