top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Pagsulat ng Pananaliksik: Pagpili ng Paksa
​
Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​​​
-
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layuninm gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
-
Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirical, atb.)
-
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​​
Magpapakita, magpapanood, o magpapakinig ang guro ng isang larawan, video, presentasyon, o musika, na may kinalaman sa maaaring paghanguan ng paksa ng pananaliksik. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga gabay na katanungang:
​
-
Ano- ano ang mga nakita, napanood o napakinggan ninyo?
-
Tungkol saan ang mga ito? Bigyan ng pangkalahatang katawagan ang nagaganap na konsepto sa bawat ipinakita.
​
Matapos masagot at mabigyan ng katawagan ang mga ipinakita ng guro, aayusin ang mga ibinigay na konsepto sa pamamagitan ng pormula at bibigyang interpretasyon. Narito ang pormula ng isinaayos na mga konseptong nakita sa larawan, video, presentasyon, at musika:
Talakayan +Panayam+ Uri ng Midya+ Larawan+ Musika+ Trivia= PANANALIKSIK
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Tatayain ng guro ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral sa konsepto ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan, video, presentasyon, o pagpapakinig ng musika. Mula rito, susulat ang mga mag-aaral ng salitang may kaugnayan sa katanungang “BAKIT KAILANGANG MANANALIKSIK o MAG-RISERTS?” sa paraan ng bubble mapping.
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Magpapakita ang guro ng larawan, video, presentasyon, o magpaparinig ng musika kung saan tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga maaaring maging paksa ng kanilang gagawing pananaliksik. Sa pamamagitan nito, bubuo ang mga mag-aaral ng talaan ng mga paksa na maaaring gamitin sa pananaliksik o riserts at talaan ng mga dapat tandaan sa pagpili ng paksa.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Mula sa mga naitalang mga posibleng paksa para sa pananaliksik, pipili ang mga mag-aaral ng kanilang ninanais na maging pokus na may pagsasaalang-alang sa mga sangguniang kanilang makukuha pati na rin ang pagiging malapit nito sa kanilang interes. Susulat ang mga mag-aaral ng kanilang sariling balangkas na naglalaman ng mga nais nilang talakayin sa gagawing pag-aaral. Magsisilbi ring pagtataya ito sa kanilang susunod na aralin- Pagsulat ng Tentatibong Balangkas. Susukatin nito ang kanilang mga paunang kaalaman hinggil sa nabanggit na susunod na paksa. Magbibigay ang guro ng mga karagdagang e-learning resources na maaari nilang paghanguan ng mga nais nilang talakayin hinggil sa napiling paksa para sa pagbuo ng balangkas.
E-learning Tools or Resources
bottom of page