top of page
Tämä sivusto on suunniteltu -verkkosivuston rakentajalla. Luo verkkosivustosi tänään.Aloita
.com
Pagsulat ng Pananaliksik: Pagsulat ng Tentatibong Balangkas
​
Pamantayang Pangnilalaman:
​
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
​
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
​​​
-
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layuninm gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
-
Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirical, atb.)
-
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​​
Magpapakita ang guro ng video, larawan, musika, o isang presentasyon na nagpapakita ng konsepto ng KAAYUSAN. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na Gabay na Tanong:
​
-
Ano ang depinisyon ng salitang KAAYUSAN batay sa inyong nakita?
-
Kailangan ba ito sa pang-araw-araw na buhay? Bakit?
-
Saang mga aspketo ng buhay nagagamit ang KAAYUSAN? Magbigay ng halimbawa nito ayon sa mga ibibigay na kategorya:
​
-
Tahanan
-
Pamahalaan
-
Paaralan
-
Pakikinig
-
Pagsasalita
-
Pagbasa
-
Pagsulat
-
4. Ano-ano ang mga hakbang upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng kaayusan sa larangan ng Pagsulat? Bakit ito isang mahalagang pangangailangan sa larangang nabanggit? Bibigyang katwiran ang kasagutan sa pamamagitan ng pagtingin sa konsepto ng kaayusan at pagbabalangkas bilang magkaugnay na ideya.
​​
KAAYUSAN = PAGBABALANGKAS
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan sila ng video, larawan, musika, o isang presentasyon na kanilang susuriin. Bibigyang kategorya o katawagan nila ang mga lumulutang na konsepto mula sa kanilang sinuri. Sa pamamagitan ng pagtatala, ililista nila ang mga suliraning kanilang maiisip hinggil sa konseptong kanilang nabuo. Inaasahang makapagtatala sila ng lima hanggang sampung suliranin sa bawat kategorya sa worksheet na ipamamahagi ng guro.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
Matapos ang pagtatala ng mga suliranin hinggil sa kategorya o paksang naiatang sa bawat pangkat, magkakaroon sila ng pag-uusap at pagpili ng isang suliraning pinakamahalaga sa pamantayan ng pagiging napapanahon nito.
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Susuriin ng bawat pangkat ang mga ibibigay na video, larawan, musika, teksto o isang presentasyon na nakabatay sa kanilang paksa. Sa pamamagitan ng mapa ng konsepto, ilalatag nila rito ang mahahalagang impormasyon o kabatirang kanilang nakuha mula sa pinanood, binasa, o pinakinggan upang makabuo ng pangkalahatang pagpapakahulugan o ideya na iikutan ng kanilang paksa.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
​
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
​
Mula sa mga naitalang mga pangkalahatang pagpapakahulugan o ideya na iikutan ng kanilang paksa, titingnan, babasahin, o panonoorin nila ang isang larawan, teksto, presentasyon, o videona nagpapakita ng paraan ng pagbuo ng balangkas para sa isang sulatin o pananaliksik. Matapos gawin ito, magtatala ang bawat pangkat ng lima hanggang sampung kahalagahan ng pagbuo ng balangkas bilang paghahanda sa gawaing pagsulat.
E-learning Tools or Resources
bottom of page