top of page
Wikang Panturo, Wikang Opisyal, Bilinggwalismo, Multilinggwalismo, Homogenous at Heterogenous, Linggwistikong Komunidad, Una, Pangalawa at Iba pang wika
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang mga konsepto,elementong kultural,kasaysayan,at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
-
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika samga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam
-
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
-
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon
-
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,at mga karanasan.
-
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
1- PANGGANYAK
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Magpapakita, magpapanood, o magpapakinig ang guro ng isang larawan, video, presentasyon, o musika, na may kinalaman mga konseptong pangwika. Gagamitin ang mga naunang kagamitang pampagtuturo upang mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa. Sa pamamagitan nito’y nahahamon din ang mga bata sa mas kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pakikipagpalitan ng kuro o palagay sa mga usapin.
E-learning Tools or Resources
2- PANIMULANG GAWAIN
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Tatayain ng guro ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral sa konseptong nakapaloob sa usaping pangwika sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan, video, presentasyon, o pagpapakinig ng musika.
Makaraan nito, bilang paglalagom o pagbubuo ng ma ibinigay na sagot ng mga mag-aaral ay itatanong ang mga sumusunod:
-
Ano ang kasalukuyang estyado o lagay ng wikang Filipino?
-
Ano o ano-ano ang mga kinahaharap na balakid ng wikang Filipino?
-
Ano ang kalagayan ng wikang Filipino sa sistema ng edukasyon sa bansang Pilipinas?
E-learning Tools or Resources
3- ARALIN/PAGTALAKAY SA PAKSA
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Tatalakayin ng guro ang Mga Konseptong Pangwika – wikang panturo; wikang opisyal; Bilinggwalismo; Multilinggwalismo; Homogenous; Heterogenous; Linggwistikong Komunidad; at Una, Pangalawa at Iba pang wika. Tatalakayin ito sa pamamagitan ng mga artikulo, video, imahe, musika at iba pa na nakita at/o nalikom ng guro.
E-learning Tools or Resources
4- PAGGANAP NG NATUTUHAN SA KLASE
Pamantayan sa Pagganap:
-
Nakasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Gabay sa paggamit ng elearning materials sa pagtuturo at pagkatuto:
Makaraang talakayin ang ukol sa Wikang Pambansa ng Pilipinas na Filipino – Inaasahan ang mga mag-aaral na makasulat ng isang suring papel o papel pananaliksik na may pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa sistema ng edukasyon ng bansang Pilipinas. Inaasahan ang mga mag-aaral na gamitin at ilangkap ang mga datos na kanilang nalikom ukol dito. Sa huli, mahalaga ang kanilang pagsusuri sa kabuuan nito.
E-learning Tools or Resources
bottom of page